Cool Butterfly

What Hurts Most?

"Moving on is simple, it’s what you leave behind that makes it so difficult."

Moving on is simple? Tingin ninyo simple ba talaga? Pwedeng oo, pwede ding hindi. Kasi moving on is not just a verb, or an action word. It’s a process. Does the process of moving on hurts? Ito pa yung pinakamasakit na part sa isang relationship? Tingin ko hindi.

“It’s not the ending that hurts so much; it’s the flashback that comes after.”

Yan ang pinaniniwalaan ko. Na hindi yung moving on ang masakit when a relationship ends. Neither the break up itself. It’s the memories that you treasure and the fact na hindi na pwedeng maulit yun.

To be more precise at para mas ramdam natin to, daanan natin yung process.

Si boyfriend/girlfriend nakipag break. At mahal na mahal mo siya siyempre. You never thought this is going to happen. And worst you even thought that you’ll be together till death do you part pa. So ikaw super sawi ka. Pero alin sa mga nangyari sayo ang nakakapagbigay sayo ng hardest time? Alin dun yung sobrang naiiyak ka?

Is it the break up? Ano bang iniisip mo during that time? Na wala na kayo. Na hindi na magiging kayo. Na wala na yung future ninyo forever. Ano bang meron sa future. Ikaw at siya, pero anong ni-lolok forward mo sa future? Hindi ba yung joy na meron kayo nung kayo pa, hindi ba yung memories ninyo together na pwedeng maulit at madagdagan pa. Hindi ba yung mismong tao na maiiwan mo na? The fact na hindi mo na siya makakasama sa future. Hindi ba iyon yung masakit. Kung wala ang mga memories na iyan, kung wala naman sayong gaanong halaga yung taong maiiwanan, will break up still hurt? Tingin ko mas magiging masaya ka pa nga kapag nangyari yun eh.

So it’s not the break up that hurts. It’s the flashbacks and what if’s.

Does the process of moving on hurts? I don’t think so. It is till the memories and the people that you will leave behind makes the process painful. Yung tipong hindi mo gugustuhing mag move on kasi madami kang panghihinanyangan. Madami kang maiiwan at madami kang dapat I let go. Yes the process is simple, accept, let go and move on. Di ba nga life goes on. Hindi mo gugustuhing i-accept yung katotohanan na wala na kayo. At yung mga memories ninyo together will remain as memories na lang. Every time you will look back and remember the things na magkasama pa kayo gusto mo nalang gawin is to hold on on those images on your mind and hope that maybe, if you won’t give up may mangyayari pang himala. Hindi naman yun masama eh. Yung lang ikaw yung nahihirapan, ikaw yung palaging nasasaktan.


Minsan pa you’ll end up thinking that your life is a mess and love sucks. Gusto mo pa humiling na lang ng time because if you could only turn back time. Those thoughts kills you diba? Pero in the end, we have to be strong. We need to move on. Do not be afraid to enter the process of moving on. Because it hurts the same whether you tried to move on or hang on. Lalo na kung wala na talaga yung love. Marerealize naman natin along the way, na kahit sobrang sakit nung mga panahon na inaalala natin yung nakaraan at iniisip ang hinaharap, darating pa din tayo na point na hindi na tayo iiyak habang nagreremenisce. Magugulat ka kapag inaalala mo yung nakaraan ninyo, nakangiti ka na. then you’ll look forward for a brighter future even without your EX. Kasi you already learned your lesson. Hindi yun minamadali, it takes time. And sooner or later, darating din yung time para sayo. :)


0 Responses