Cool Butterfly

Sorry?

“Sorry seems to be the hardest word.” This is from a song way back 90s I guess.
Maybe yes, maybe no. It depends on the situation. May nagsasabi na madali lang kung talagang mahal mo ang isang tao, may nagsasabi din mahirap kahit pa mahal na mahal mo.

Bakit ba nagiging mahirap ang magsabi ng sorry? Lalo na sa mga taong guilty. Lalo na sa loob ng isang boy&girl relationship. Hindi mo alam kung paano mo sasabihing sorry sa kasintahan or partner mo kapag may nagawa kang kasalanan sa kanya. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit talaga siya mahirap ehh. Kung mahal mo naman talaga dapat humingi ka ng tawad. Kung ayaw ninyong masira ang relationship ninyo dapat malaman ng partner mo na you are sorry sa kasalanan nagawa mo. Ang daling isipin, pero mahirap gawin. Kasi natatakot ka sa consequences. Natatakot ka na baka hindi tanggapin yung sorry mo. Natatakot ka sa mga salitang maari mong marinig sa kanya.

Masakit humingi ng sorry lalo na kung naiinis ka mismo sa sarili mo at tinatanong mo bakit mo nga ba nagawa iyon? Mahal mo naman siya pero nakagawa ka ng bagay na masasaktan siya. Masakit tanggapin sa sarili na nagkamali ka. Na sa relationship ninyo may nagawa kang hindi maganda. In the first place why did you do that? Magdadahilan ka, hindi ka perpekto, tao ka lang nagkakamali. Alam mo, mas masakit yung nagbibigay ka pa ng rason. Lalo na kung ipagtatanggol mo pa yung sarili mo. Nagsorry ka dahil inaamin mong may kasalanan. Apologies are ruined by the reasons that come after. Minsan mas mabuti pa yung simpleg pero sincere na sorry. Kasi kung magsosory ka pero may mga idadahilan ka pa, sana hindi ka nalang nagsorry.

Kaya tayo nahihirapan magsorry dahil sa kakaisip ng i-pang-baback-up sa sorry natin.

Madali lang magsorry, ang mahirap eh yung sa taong masasabihan nun. Sobrang sakit ng ganon. Oo dapat matuwa siya at least honest yung partner niya, at least humingi ng tawad yung isa. Pero hindi basta maalis ng salitang sorry yung pain, the fact na gumawa ng kasalanan sayo yung taong mahal na mahal mo? The fact na sinaktan ka siya? Hindi madali. Uulitin ko, in the first place, why did he/she do that? Diba itatanong niya iyan sa sarili niya. Mahal niya ako dib a? Bakit niya ako sinaktan? Bakit niya nagawa yun kung talagang mahalaga ako sa kanya? Whether he/she like it or not, tao lang din siya, nasasaktan. At hindi madali ang tanggapin na yung taong hiling maiisip mong sasaktan eh ay makakagawa ng bagay na hindi madaling tanggapin.

Pero sabi na naman din nila na kung talagang mahal mo patawarin mo. Madali lang naman magpatawad sa palagay ko, lalo na kung talagang mahal mo at kung sincere siya paghingi ng patawad. Ang mahirap eh yung makalimot at ibalik yung dati. Kasunod ng ganitong bagay yung tiwalang masisira. Na kahit anong pilit sabihin ng tao na kalimutan na , hindi madali kasi wala naman sa isip yung sakit para makalimutan. Nasa puso yon, nararamdaman. At hindi mo magagawang kontrolin ang puso mo sa kung ano mang bagay na ayaw mong maramdaman.

Pero sa huli ang mga taong totoong nagmamahal makakahingi ng tawad at makakapagpatawad. Pero hindi rin agad agad. It takes time. Time until one learned the lesson and the other have accepted that this is part of their relationship. Pagtapos isang mas matibay na samahan ang mabubuo. Samahan na handang muling humarap sa pagsubok ng magkasama.

Wag kang matakot na magsorry at makatanggap ng sorry. Magirap oo, nakakatakot oo. Wala namang permanenteng bagay sa mundo. At kailangan ninyong gawin, ay patunayan sa mundo, na ang pagmamahal ninyo sa isa’t isa ang pinakamahirap.. pinakamahirap mabuwag kahit anong pagsubok pa ang pagdaanan.


In the future, magbabalik tanaw kayo sa mga pagkakatong nagsorry kayo at nahingan ng sorry. Tatawanan niyo nalang yung mga foolishness ninyo sa past. Masasabi mong, “yeah, may sorry SEEMS to be the hardest word, but it’s not.” J
0 Responses