bakit nga ba?
B-A-K-I-T
Isang salita, limang letra, subalit maraming nangangailangan ng
kasagutan sa kanya… napakaraming tanong ng mga tao sa mundo, pero ang
nag-iisang salitang ito ang napakahirap sagutin… maaring tama, maari ring mali…
depende sa taong nagtatanong, depende sa uri ng tanong… sa totoo lang naparami
kong tanong na sa BAKIT nagsisimula…
Simple lang daw ang buhay sa mundo, tao lang ang
nagpapakumlikado. Oo nga naman, kung tutuusin, hindi naman kailangan lahat ng
tanong mo na bakit ay masagot para maging masaya ka diba…? PERO, habang hindi
nasasagot ang bawat tanong mo, nagsisimula din maging komplikado mga bagay sa
mundo mo. Mahirap maiwasan… ano nga bang paraan…
Bakit ba may salitang bakit?
(Change topic bigla)
Bakit ang bilis sumama ng loob ng mga babae at bakit hindi naman
ito maintindihan ng mga lalaki? Or should I say, bakit ang daming EMOng babae
at madaming manhid na lalaki?
Bakit na naman… pero yan talaga ang pupose ko sa pagsulat ng
blog na to.
Ang mga kababaihan, aminin man natin o hindi, madalas tayong
nasasaktan sa kahit sobrang liit na bagay lang. hindi maitext, hindi masundo,
hindi-malike ang facebook status etc. etc. Pero hindi natin ito maiwasan. Kasi
pakiramdam natin nate-take for granted tayo. Na sa napakasimpleng bagay hindi
tayo mapahalagahan ng mga mahal natin. Naglalaro sa isip natin kung bakit hindi
niya matandaan ang mga simpleng bagay na iyon. Kung mahalaga ba talaga tayo sa
kanila at ganun na lang kung kalimutan nila ang mga bagay na nakakapagpalungkot
satin kaya kahit hindi sadya nauulit nila ito? Iniisip natin kung mahal pa ba
talaga tayo ng taong ito. Pero kung tutuusin hindi naman natin kailangan awayin
pa ang mga nobyo natin dahil lang dito.
Ang mga kalalakihan, kahit hindi kayo umamin, nainiinis kayo
kapag sa mga simpleng bagay nagwawala ang mga girlfriend ninyo. Hindi niyo
maintindihan kung bakit kailangan magdamdam siya sa ganon KABABAW na dahilan.
Sobrang simple kaya sa tingin ninyo mababaw. Kaya kahit nasaktan na si GF ninyo
tungkol sa ganitong bagay hindi imposible sa susunod na mga araw mauulit na
naman ito. Naglalaro sa isip ninyo bakit ganun? Ang bigat ba ng kasalanan ko sa
kanya? Hindi na ba mahalaga sa kanya yung ibang efforts ko at palaging yung
mali kong iyon ang nakikita niya? Iniisip ninyong imaature at wala ng
pinatutunguhan ang relasyon ninyo. Pero kung tutuusin hindi naman kailangan
pang sakyan ang inis ng kasintahan at madali lang din naman na intindihin na
lamang siya.
Ang dahilan kung bakit kahit na madali naman talaga pero hindi
nagagawa ay dahil sa pakiramdam natin pareho, lalaki at babae, na kapag hindi
natin ibinoses ang nararamdamam uulitin lang ng bawat isa ang ginagawa niya.
KUMPLIKADO? Oo, kung susuriin mong maige ang gulo ng sitwasyon.
Ngayon ang tanong. Sino ang dapat magpakumbaba? Sino ang dapat
magbigay? Sino ang dapat umunawa?
Bakit nga ba ganito? Bakit ang hirap gawin ng madaling bagay?
“Pero kung totoong nagmamahal kayo, hindi mahalaga kung sino o
bakit? Kusang iintindihin ng mga puso ang bawat pagkakamali. At puso rin ang
magtatama nito.”