Regrets R-E-G-R-E-T-S
don't expect someone to stay sweet forever because even the sweetest chocolate has an expiration date... - anonymousoo nga, totoo... pero sabi nila, magiging masaya ka kung matututo kang tanggapin ung mga imperfections na unti unti mong nakikita sa taong mahal mo... naisip ko lang, paano kung ung mga imperfections niya na yon kaya namang ituwid? paano kung may paraan para somehow maging perfect? would you not do anything para don? come to think of it. everything is just about choices and decisions. hindi porke yan na yung nakasanayan, yan na yung meron titigil ka na sa "yan" kung pwede namang higitan yan para sa ikabubuti ng marami...
ano bang mga reason bakit nagbabago ang mga tao? sa totoo lang hindi ko din alam... kasi ako, nagbago ako dahil sa sumabay ako sa pagbabago sa paligid ko. at yung ginawa kong yon, aminado akong isang malaking pagkakamali sa buhay ko. nawala yung mga taong mahal ko. nawala yung mga bagay na mahahalaga sa akin. hindi ko na kilala ang sarili ko. bitter? oo, sa kung anong nangyari at ginawa ko sa sarili ko.
well wala akong ibang dapat sisihin sa kung anong estado ko ngayon sa sarili ko. desisyon ko to kaya ako nandito. at malaki ang pagsisisi ko. oo sabi nila matuto sa pagkakamali pero hindi sana ko magkakamali ng ganito at hindi sana aabot sa ganito ang epekto kung pinag-isipan ko lang sana mga desisyon ko. ganun talaga ang buhay. hindi naman pwedeng nasa umpisa ang pagsisisi diba, para namang timang yung, lagi yung sa huli.
siguro akala mo ikaw ang pinatatamaan ko sa quote sa itaas. well all this time para sakin yan. pati yung sinasabi kong pwede namang baguhin kaso di ko ginawa. sa pwede ka namang makuntento sa kung anong meron ako pero hindi lahat pwedeng tanggapin nalang ng ganun ganun na lang. buhay nga naman parang life. butong hininga na lang ang kaya kong isagot sa kung ano mang nararanasan ko ngayon. simple lang kasi duwag ako. takot ako sa kahit ano. oo malakas ang Kapit ko sa kanya at buo ang faith ko sa kanya pero sa sarili ko 0%, teka negative pa nga ata... does this blog have a happy ending? i don't know either.
learn to appreciate what you have, before time makes you appreciate what you had. - anonymousalam natin soon magiging "had" nalang talaga natin ang mga bagay bagay na meron tayo, pero hindi naman lahat, pero madami... yung makakasama natin hanggang sa huling hantungan. may mga bagay lang talaga na hindi natin akalain na ganun kabilis magiging "had". sabi nga nila diba, live like it's the last day of your life, pero madalas nagmamatigas pa rin tayo at ginagawa yung mga bagay na wala namang kabuluhan talaga para satin. na hindi naman tayo napasaya. at higit sa lahat nakasakit pa pala tayo ng iba.
we do know how to appreciate things but when we show it, it's already too late. gaya ko. actually over over na nga ang ginagawa kong pagpapakita ng appreciation ko pero kung wala pala yung halaga edi walang kwenta. yun lagi ang ipinipilit kong appreciation na hindi naman na pala nararamdaman. nasasayang lang yung lakas ko. kasi nga naman hindi galing sa puso. paano pa bang galing sa puso ang gusto eh mahal na mahal ko nga yung tao? kasi ganito yon, ginagawa ko lang siya kasi inaantay kong maging masaya at at mapuri niya ko at dun ako magkakaron ng satisfaction which is mali. true love doent wait for anything in return. so yun. kaya mali ako.
nalaman ko lang kung paano ko dapat siya pinahalagahan wala na siya. hindi ko alam kung babalik pa. bulag ako sa hinaharap kung makakasama ko paba yung taong nagturo sakin ng mga bagay na naisulat ko ngayon. bingi ako sa mga salitang hindi ko alam kung maririnig ko pa bang sasambitin niya, o kung maririnig ko pa ba siya? siya na dating "i have", ngayon isa ng "i had." ang sakit sobra. kada letra na mailalagay dito unti unting tumatarak sa puso ko. unti unti pinapatay ako...
kayo? hahayaan niyo bang maging katulad ko? wala ba kayong balak aksyonan ngayon? aantayin nio bang mag-expire nalang yung chocolate at maging had nalang ang have...? kung ayaw nio kumilos na kayo. ngayon na. as in ngayon na!