hate goodbye
“The most painful
& worst possible types of good byes, are the ones that are never said and
explained & will haunt u for the rest of ur life.”
Wala namang nagpaalam
sakin ng ganitong klase pero ramdam ko yung sakit. Nai-imagine ko how would it
feel kapag yung taong mahal na mahal ko bigla nalang nawala sa buhay. Mababaliw
siguro ako. Pero naisip ko din, alin kaya ang mas masakit, yung nagpaakam siya
dahil hindi ka na niya mahal talaga or yung wala siyang pasabi gaya nito, na
nanghuhula ka kung bakit ka niya iniwanan…
Tama, alin kaya dun
ang mas mabigat dahil…?
Kung ako ang nasa unang senaryo, maghihisterical ako, hindi ko na kakayaning magmahal pa ulit. Malamang
magkatrauma pa ako. Iisipin kung ano bang nagawa ko at bakit hindi na ko mahal
ng taong mahal na mahal ko… hindi na ba pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon…?
Wala na bang pag-asa na maibalik pa ang pagmamahal niya…? HINDI NA KO MAHAL NG
TAONG MAHAL NA MAHAL KO! Ouch! Ang sakit sakit! ang hirap tanggapin ng ganyang
salita. Iniisip ko pa lang na sasabihin sakin yan ng lalaking pinag-alayan ko
ng buong buhay ko, ang hirap… AYOKO! Ayoko pero anong magagawa ko? Hindi na nga
niya ko mahal diba? Ang hirap i-accept na mangyayari yung ganito… Everytime na
iisipin kong kailangan kong tanagapin na hindi niya ko mahal parang unti-unti
ko ring idinidiin yung patalim na itinarak niya sa dibdib ko. Unti-unti ring
sumisirit yung dugo ko habang unti-unti ay nauubos ang hininga ko. Parang hindi
ko na nanaisin pang mabuhay. Wala ng dahilan. Makikita ko ang sarili ko bilang
isang babae walang kwenta, kaya iniwan. Na walang halaga kaya sinaktan. Na hindi
worthy para mahalin. In short, masisira ang buhay ko. Ikaw kaya masabihan ng
hindi na kita mahal.
Halos pareho lang
din sa pangalawang senaryo. Mababaliw rin ako sigurado. Anong nangyari? Bakit? May
nagawa ba kong hindi maganda? Nasan na siya? Buhay pa ba siya? Anak ng tokwa,
ang daming tanong!!! Ang dami mong gustong malaman. Hindi na ba nya ko mahal…? Kung
hindi na bakit? Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Anong dahilan…? Walang araw
na hindi ko iisipin kung bakit ako iniwan ng taong mahal ko. Sa araw-araw
iisipin ko kung bakit ba talaga siya nawala. Hindi ako matatahimik hanggat hindi
ko nalalaman kung bakit mag-isa na ko ngayon. Nakakalungkot… nakakabaliw…? Kahit
kalian hindi na ako matathimik… araw-araw na pag-iyak na lang ang magagawa ko…
hanggang sa darating ang araw na wala na kong iluluha ngunit wala pa ring sagot
akong nakukuha… darating pa kaya ang araw na mabibigyan ng linaw ang lahat…? Babalik
pa kaya siya…? Ang hirap mag-move on kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit
ka mag-mo-move on. Malay ko ba kung may nangyari lang na hindi maganda sa kanya…
baka nagka-amnesia siya. Baka naka-coma. Walang kasiguraduhan ang lahat ng
pwede kong maramdaman. Mas mahirap ata ito kesa sa masaktan. Haaay nakakabaliw
to!
Sa huli ayaw kong
maranasan ang kahit alinman sa mga yan. Ayokong maiwanan. Lalong ayokong mawala
yung pagmamahal sakin ng taong pinag-alayan ko ng puso ko, ng buhay ko…