Pinaglalaban o Pinagpipilitan?
Hindi
ako broken hearted ngayon pero try ko na maisulat ito na galing sa puso. ang
hirap kasi minsan magsalita ng wala kang pinaghuhugutan eh. Yung magsusulat ka
ng tungkol sa pagkabigo, pain, hurt pero ang totoo sobrang saya naman ng puso
mo. Parang mas madali pa ngang magpanggap na masaya kahit nalulungkot ka, kesa
pilitin mong humugot ng kirot at ilagay sa sinusulat mo kahit sobrang saya
naman ng puso mo.
Pagdating sa isang relasyon, ano ba ang mahalaga? Sabi nila, love itself, o
kaya naman trust, or faith or loyalty. Others may say respect, attitude,
character, reponsibility, commitment. Or some may say all of the above, or
balance everything that was said. Ano nga ba? Sagot, ewan ko. Haha :P
Seriously, ang lawak ng mundo pagdating sa isang relasyon. Sasabihin nila pwede
naman gawing simple bakit pa pinapakomplikado. Well ang tao kasi mismo
komplikado, kaya mahirap na tanggalin yun complications. Instead of trying to
remove it, try other way sana na mas makakabuti for both parties. :)
Anyways ang layo na ng sinasabi ko sa title, hahaha. Pero may kinalaman pa din naman :P. Hehe ang gulo diba, pasensya naman eh sa title palang di ba magulo na :P.
Deretso na ko sa part ng relasyon na tipong labo labo na. Hindi mo alam kung aatras o aabante ka. Baka pag-atras mo maiwan ka na. O kaya naman pag-abante mo makamali ka makabunggo ka pa. Kelan mo nga ba masasabi na ang relasyon mo ay ipinaglalaban mo o ipinagpipilitan mo na lang ang sarili mo. Sabi kasi nila kung mahal mo isang tao wag kang susuko. Gawin mo lahat para manatili siya sayo. Pano kung nafall out of love na pala yung isa, ipaglalaban mo pa din ba? Sabi nila, OO, go lang ng go, marerealized din ng mokong na yan na mahal ka pa talaga niya. E paano kung may third party na? Sugod pa din daw, patunayang mong ikaw ang nararapat at hindi yung isang bakulaw.
Pero paano kung, hindi na talaga, as in HINDI ka na niya mahal, tapos ikaw hindi mo pa siya pinapakawalan. Tapos siya pa yung tipo na kahit hindi kana mahal hindi naman niya kayang maging rude sayo at bigla ka nalang iwan. Magpapakamanhid ka pa din ba na ipagpipilitan ang sarili mo? Hindi mo ba maiisip na hindi lang ikaw ang nahihirapan, pinahihirapan mo din siya. Oo, ikaw ang nasaktan dito pero PINAHIHIRAPAN mo din siya. Come to think of it.
Paano kung may third party na. Hindi ka papayag at pipiliting mong mawala sa eksena si kabit? Una sa lahat bakit ba magkakaron ng kabit si partner mo kung talaga buo pagmamahal niya sayo. Sa bagay na yan siguradong alam mo na ang sagot. Eh matigas ang ulo mo, hindi ka papayag, kung hindi naman kasi sumulpot yung malandi hindi ka maagawan. Pero di ba pumayag yung partner mo sa ganung setup, hindi ba ibig sabihin non may nararamdaman na talaga siya para dun sa third party? Ano? Deadma pa din ba? Tutuloy mo pa din ba pahirapan ang sarili mo, at siya? Eh hindi ka niya iniiwan ibig sabihin nun mahal ka pa din niya. Gaga! Kaya mo nga siya minahal one reason is dahil mabuti siyang tao. May pinagsamahan kayo kaya hindi ka rin niya kaya basta na lang iwan dahil lumalaban ka pa.
Oo lumalaban kapa, para sa SARILI MO, para sa PUSO MO, para sa PARANGAP MOng buhay kasama siya, para relasyong parte na ng BUHAY MO. Pansin mo, lahat para na lang sayo. Kasi para sa kanya ipinagpipilitan mo na lang ang sarili mo. Masakit pero kailangan mong tanggapin na hindi mo na siya maipaglalaban dahil bumitaw na siya. Kaya wag mo ng saktan ang sarili mo KAKAPILIT SA IPINAGLALABAN MO.
Not unless masaya ka sa ganyan. Yun naman mahalaga eh, ang masaya ka. Pero kung hindi na, accept and let go. Pursue your happiness lalo kung hindi naman na yun sa kanya.
hindi lang po ito para sa mga babae, ganun din po sa mga lalaking tunay na nagmamahal. wag nating kalimutan ang sarili natin. paano tayo makakapagbigay ng pag-ibig para sa sarili natin wala tayo. :)