Cool Butterfly

Ako ay Ako. Tapos.?

Bakit nga ba palagi na lang mayroong pagkukumpara? 

Sa tuwing maiisip ko yan, laging nagtatalo ang mga idea sa utak ko. Yung isa sinasabing "eh ito ang mundo, tanggapin mo.". Samantala yung isa naman sinasabing, "pwede namang baguhin yan, nasa tao din yan no.". 

Ano nga ba talaga? Sagot, hindi ko rin alam. Kasi ako, gusto ko yung pangalawa, kaso alam ko sa sarili ko na hindi ako perpekto kaya magagawa at magagawa kong magkumpara. Aminado nga ako na madalas nakakapanghusga pa ako ng tao sa isip ko. (Sorry Lord sana po mapatawad Ninyo ako.) At bukod duon ako mismo, naiinggit sa iba sa tuwing naikukumpara ko ang sarili ko sa kanila.

Ang hirap magpakaplastik at sabihing "kuntento ako sa kung anong meron ako". Kasi sa totoo lang hindi. Kasi kung kuntento na ko, hindi na ako magpapakahirap na gumawa ng mga bagay bagay makuha ko lamang yung mga gusto at pangangailangan ko. Ang kaya kong sabihin at ipagmalaki sa lahat ay "masaya ako sa lahat ng bagay na ipinagkakaloob sakin ng Panginoon.

Masaya man ako, naghahangad pa din ako ng iba. Hindo naman ako ipokrito para sabihing hindi ko gustong magkaroon ako ng mga bagay na wala ako. Hindi lang sa panlabas na kaanyuan kundi maging sa ugali, talento, kakayanan at personalidad. Parang minsan nga gusto ko maging perpekto, pero hindi rin naman. Kasi hindi ko naman gusto na mas maging seksi pa o palakihin ang kung ano anong parte ng katawan ko ano. May ilang mga bagay lang, hindi pala, may mga bagay lang talaga na gusto ko sana magkaroon ako. Mga bagay na nakikitang maganda sa ibang tao na dahilan kaya mahal sila ng marami.

Oo, yun nga ang dahilan kung bakit. Gusto kong mahalin ako at tanggapin ako ng mga tao sa paligid ko. Kaso mukhang imposible ang bagay na yun hanggat wala ako nung mga bagay na dahilan kaya mahal nila yung iba. 

Oo alam ko. Hindi lahat ng tao kaya kong iplease or pwedeng magustuhan ako. Pero hindi naman yun ang hiling ko. Yung mahalin nila ako bilang kapwa tao nila. Yun naman ang utos sa atin ng Panginoon diba? Ang magmahalan tayong lahat magkakaiba man tayo? Kapag nangyari kasi to, ayaw man nila sa itsura, ugali o personalidad na meron ako, irerespeto pa rin nila ako.

Ang huling punto respeto. Bakit ko ba naungkat ang bagay na to? Tingnan niyo nalang sa Open Diary ko. :)

Understanding Astigmatism a.k.a. My Life


I am actually suffering from astigmatism… I don’t know what caused it. I’ts actually hard for me to stare at my desktop/laptop . I have a blurred vision, i can’t see clearly how beautiful the world now without wearing my eye glasses. My right eye also suffers from myopia or simply nearsightedness. I am really sad when i realized it’s not cool to wear eye glasses all the time so as for me to see things vividly. At the same time i receive a lot of discrimination from people. From my physical appearance, the way i communicate and my own personality. They don’t like it. This world has a lot of hurts designed for me. 

Despite those things, i prefer to live normally. As if everybody loves me. That way i can see things more beautiful. I enjoy my life so much. Even though no one talks to me, nobody cares etc. Because i myself cares. And most specially God loves me so much… ^_^ 

This world has a lot more great things designed for me. ^_^

I am HAPPY. :)