Cool Butterfly

How to Keep Your Girlfriend

12. Don't ignore her phone calls or texts.

Unless she actually tells you that you don't have to return a phone call or text, you should always respond! In fact, try to be the one that calls and texts her first if you've had a habit of missing her calls in the past.

11. Don't neglect her feelings.

Every girl likes to know that her boyfriend has been thinking about her. Little things like flowers or a text that tells her she was on your mind. 

10. Don't give her love base on situation.

Okay, so you dated all through high school but now you're headed to college in two different states. Long distance relationships are hard but not impossible. Don't make her feel like only cared about her because in was convenient.

9. Don't commit if you don't mean it.

Some guys have a habit of just telling a girl what she wants to hear. If she dreams of getting married someday, don't just agree with her and then never follow through. You'll just waste both of your time.

8. Don't act distant.

A lot of people have a fear of abandonment in relationships and she may be one of those. The last thing you want to do is act like you might be disappearing on her. 

7. Don't just pretend to care.

Okay, so she watches one too many reality TV shows and she loves to visit museums and talk about her job. You don't actually have to like these things but it will mean a lot to her that you actually try to care instead of just pretending to.

6. Don't ever bully her.

Sometimes she isn't going to do what you wish she would. That is never an excuse to act like a bully or try to force her to do something.

5. Don't try to buy her off.

Flowers are nice but if you're constantly trying to buy her expensive gifts and spend money on her, she may start to feel a little uncomfortable. Occasional gifts are nice but no one likes to feel like their boyfriend thinks they're for sale.

4. Don't compare her to other girls.

This probably seems harmless enough but by comparing your girl to other girls even in a positive light, might give her the wrong impression. It could make her think that you're paying attention to other women or that you are just really critical of appearance so she will always have to be perfect.

3. Always tell her how you really feel.

If you realize that you love her more every day, don't keep feelings like that inside. Yes, to you they may sound sappy, but to her, it's probably just what she wants to hear.

2. Don't be a liar.

You don't have to make elaborate promises just to keep her interested. Only express to her what you actually feel for her, that way she'll always be able to trust you.

1. Don't beg.

Nothing reduces a man faster than groveling like a small child. Reasoning with her like adults shows that you not only have respect for yourself but you have respect for her.

source


Whew! Nosebleed! :D
Bakit ko nga ba ni retype yan from other website?
Kasi somehow nakakarelate ako. Sino ba naman ang girl na hindi gustong itreat siya as precious as diamond ng boyfriend niya diba? Lahat ata ng girlfriend kahit ano pang ugali meron siya, kahit ano pang personality ang taglay niya at kahit ano pang mundo ang kinalakhan niya, deep inside, gusto maitrato siya na parang prinsesa ng taong mahal niya. 

Ang madalas kasi iniisip ng mga lalaki, bakit lagi nalang sila? Bakit palaging sila magbibigay, bakit palaging sila una, bakit sila lagi dapat gumawa ng move. Hello?? Una sa lahat sino ba nanligaw? Lalaki di ba? So anong nirereklamo niya? Isasagot naman nila, "eh nasa relationship na kami dalat hindi laging ako". Hindi rin. Hindi porke nasa relationship na kayo magbabago kana. Kung gaano ka kasweet, kung gaano ka kalambing, kung gaano ka matyaga, kung gaano ka maunawain nung nanliligaw ka palang, dapat mag next leve kapag naging kayo na hindi yung nababawasan or nawawala na lang bigla. 

Hindi lang kasi alam ng maraming lalaki kung paano talaga magmahal ng TUNAY ay isang babae. Hindi nila alam, na kapag minahal na sila ng husto, lalong nahuhulog sila sa tao. Lalong minamahal nila ang mga lalaki. Subukan ninyong maging isang mabuting kasintahan. Hindi yung perpekto pero magpaparamdam sa babae ng tunay na pagmamahal. Sigurado ibabalik niya sayo yung pagmamahal na ibinibigay mo. Susubukan niya pang higitan. Lahat gagawin niya para sayo. Walang araw na hindi ka niya iisipin, walang araw na hindi niya susubukang iparamdam sayo na sobrang siya niya sa pagmamahal mo at handa siyang pagsilbihan ka buong katapatan sa buong buhay niya.

Ganun kami magmahal. Kapag naramdaman namin yung wagas na pagmamahal ng lalaki. Kapag pinapakita niya palagi kung gaano kami kahalaga sa kanya. Asahan niya na hindi siya magsisisi dahil naging mabuting kasintahan siya. :) 

Ang sarap maging prinsesa ng lalaking pinangarap mong maging prinsipe. Pero mas masarap maging prinsesa ng taong totoo magmahal, hindi perpekto pero ipaparamdam sayo na "He's the BEST!". :)

Eye Glasses


Eye glasses day today! :( sakit sa ulo pero kailangan ko. Aga aga kasi lumabo ang mga mata ko. Pero ok lang, pa-epek lang yang malungkot na face! :D
Ang mahalaga masaya ko kasi isang bagong umaga ang ibinigay ng Panginoon sakin para makakita. Malabo man ang aking paningin, maganda pa rin ang nakikita ko sa paligid ko. Bakit? Sapagkat alam kong lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at nakikita ko itong malinaw gamit ang akin puso. Masayang araw sa lahat! God bless! :)

Ako ay Ako. Tapos.?

Bakit nga ba palagi na lang mayroong pagkukumpara? 

Sa tuwing maiisip ko yan, laging nagtatalo ang mga idea sa utak ko. Yung isa sinasabing "eh ito ang mundo, tanggapin mo.". Samantala yung isa naman sinasabing, "pwede namang baguhin yan, nasa tao din yan no.". 

Ano nga ba talaga? Sagot, hindi ko rin alam. Kasi ako, gusto ko yung pangalawa, kaso alam ko sa sarili ko na hindi ako perpekto kaya magagawa at magagawa kong magkumpara. Aminado nga ako na madalas nakakapanghusga pa ako ng tao sa isip ko. (Sorry Lord sana po mapatawad Ninyo ako.) At bukod duon ako mismo, naiinggit sa iba sa tuwing naikukumpara ko ang sarili ko sa kanila.

Ang hirap magpakaplastik at sabihing "kuntento ako sa kung anong meron ako". Kasi sa totoo lang hindi. Kasi kung kuntento na ko, hindi na ako magpapakahirap na gumawa ng mga bagay bagay makuha ko lamang yung mga gusto at pangangailangan ko. Ang kaya kong sabihin at ipagmalaki sa lahat ay "masaya ako sa lahat ng bagay na ipinagkakaloob sakin ng Panginoon.

Masaya man ako, naghahangad pa din ako ng iba. Hindo naman ako ipokrito para sabihing hindi ko gustong magkaroon ako ng mga bagay na wala ako. Hindi lang sa panlabas na kaanyuan kundi maging sa ugali, talento, kakayanan at personalidad. Parang minsan nga gusto ko maging perpekto, pero hindi rin naman. Kasi hindi ko naman gusto na mas maging seksi pa o palakihin ang kung ano anong parte ng katawan ko ano. May ilang mga bagay lang, hindi pala, may mga bagay lang talaga na gusto ko sana magkaroon ako. Mga bagay na nakikitang maganda sa ibang tao na dahilan kaya mahal sila ng marami.

Oo, yun nga ang dahilan kung bakit. Gusto kong mahalin ako at tanggapin ako ng mga tao sa paligid ko. Kaso mukhang imposible ang bagay na yun hanggat wala ako nung mga bagay na dahilan kaya mahal nila yung iba. 

Oo alam ko. Hindi lahat ng tao kaya kong iplease or pwedeng magustuhan ako. Pero hindi naman yun ang hiling ko. Yung mahalin nila ako bilang kapwa tao nila. Yun naman ang utos sa atin ng Panginoon diba? Ang magmahalan tayong lahat magkakaiba man tayo? Kapag nangyari kasi to, ayaw man nila sa itsura, ugali o personalidad na meron ako, irerespeto pa rin nila ako.

Ang huling punto respeto. Bakit ko ba naungkat ang bagay na to? Tingnan niyo nalang sa Open Diary ko. :)

Understanding Astigmatism a.k.a. My Life


I am actually suffering from astigmatism… I don’t know what caused it. I’ts actually hard for me to stare at my desktop/laptop . I have a blurred vision, i can’t see clearly how beautiful the world now without wearing my eye glasses. My right eye also suffers from myopia or simply nearsightedness. I am really sad when i realized it’s not cool to wear eye glasses all the time so as for me to see things vividly. At the same time i receive a lot of discrimination from people. From my physical appearance, the way i communicate and my own personality. They don’t like it. This world has a lot of hurts designed for me. 

Despite those things, i prefer to live normally. As if everybody loves me. That way i can see things more beautiful. I enjoy my life so much. Even though no one talks to me, nobody cares etc. Because i myself cares. And most specially God loves me so much… ^_^ 

This world has a lot more great things designed for me. ^_^

I am HAPPY. :)

Duty


ang bigat ng salitang ito... parang ang hirap panindigan... pero nasa will din ng gagawa yan. when you have a strong faith wala kahit anong makakahadlang kapag ginawa mo ang duty mo. sabi nila madaling sabihin mahirap gawin, oo mahirap pero hindi naman imposibleng gawin. kaya wala kang maidadahilan kung bakit hindi mo ginawa. nasa tao rin naman talaga nakasasalalay ang pagtatagumpay niya. hindi lang sa duty na ibinigay sa kanya kundi sa buhay niya. kung may paninindigan ka at determinado magagawa mo.


ikaw ba naman bigyan ng duty ni God hindi mo ba gagawin? it's a great pleasure serving God. ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka niya. binruin mo yun? grabe, iba yung feeling kapag nakareceive ka ng mission from Him. iba yung galak sa puso. HELLO! si Lord kaya yan. pinakamataas na tao na nagtiwala sayo ewan ko na lang kung hindi ka kumilos. 


ako, kahit gaano pa yan kahirap, basta bigay ni God, ibubuhos ko ang sarili ko. ang saya kasi sa puso yung ginagawa mo ang isang bagay para sa Kanya. para sa tagapagligtas ko. para sa Kanya na buong buong mahal na mahal na ako. gusto ko makagawa ng mga bagay na makakapapasaya sa kanya. gusto ko maibalik lahat ng favor for Him. gusto kong magawa lahat ng gusto Niyang magawa ko. pero ang pinakagusto ko sa lahat, yung Mahalin SIYA... ang saya... ang sarap sa pakiramdam... ewan ko ba kung bakit, tingin ko satisfaction ko to pero ang magstrive for His satisfaction ang main goal ko... gusto ko mafeel yung akap Niya... :"> kinikilig ako... ^_^ He's my one great love... :)


source: Lord and Me

all that you WANT...

guy: you know what? i'm sick and tired of all these stuff. i WANT my freedom, i need to grow, i WANT to have a great career. but it will not happen if you're around.
girl: if that's what you W A N T... 
guy: and don't wait for me coz i won't come back.


the guy really gained great career... he became so famous, he had all what he WANTED. the girl still waited him. she even tried to talk to him but he won't give her a chance...


but as time passes by the guy felt incomplete despite all the great stuff around him. he even can't find his right girl. so he decided to look for her ex...


guy: hi! i've been looking for you for so many days now... i realized that you are still the one that my heart is looking for. i love you and you're the one i WANT...
girl: this time you can't have what you W A N T...
guy: but why? i know you still love me, you WANT me...
girl: i don't just WANT and love you, you are my life... but you ended it the day i gave you what you WANT... don't you know that today is my.... 5th death anniversary....? 


"i wish there were a way i could go back in time, to hold you in my arms... as if you are still mine..."

Give You My Heart - 1st Lady




this is a very beautiful song... thank you for making me hear this...
the first time narinig ko to and the fact na ikaw ang nagrecomend na panuorin ko ayun feeling ko ang haba ng hair ko :) thank you so much for loving me... i'm truly grateful that i have you... ♥  Lyrics here!

Till the End... Still Don't Care :'(


one day a couple (not yet married) decided to broke up because the guy needs to leave. 

guy: don't wait for me, when i leave you'll have your freedom, go and meet other guys, maybe you'l meet someone who will make you smile as i do.
girl: i'll wait for you... :'(

the girl waited for six years. they don't have any communication. after eight years the guy came back and surprised he, not knowing that he'll be the one surprised.

guy: hi baby! :D
girl: hello
guy: how's my baby?
girl: i'm fine...
guy: i love you, i really do... maybe this is the right time to-
girl: -no it's not!... i love you, i waited for you. for eight years i'm hoping for any letter or email or just one text but there was none. :(
guy: i'm sorry, i'm just so busy with my career i forgot to call you...
girl: i'm sorry too, I've done what you told me...
guy: what have i told you?
girl: go meet other guys,
guy: but i'm the one you love??
girl: i do.. so much... but it was before. you had me at my best, but you never gave me importance... :'( i am always taken for granted!... T_T
guy: i see, bye...

then suddenly, tears fall on the girl's eyes...

girl: until now i'm hoping, hoping that you'll fight for your love for me... to have me back... but still you don't... T_T...



Once in a Lifetime




replace 3 months to almost 3 years, charm with nelcy... it feels like i'm the one who wrote these... these things are what my heart wants to say...


these are what i really want to say to you... this is how i feel... lahat... lahat ito sobrang ako... kung pwede lang angkinin na ako ang gumawa nito... lahat na kakayanin ko, magtitiis ako ng bongga para lang sayo, mahal ko... 

Regrets R-E-G-R-E-T-S

don't expect someone to stay sweet forever because even the sweetest chocolate has an expiration date... - anonymous
oo nga, totoo... pero sabi nila, magiging masaya ka kung matututo kang tanggapin ung mga imperfections na unti unti mong nakikita sa taong mahal mo... naisip ko lang, paano kung ung mga imperfections niya na yon kaya namang ituwid? paano kung may paraan para somehow maging perfect? would you not do anything para don? come to think of it. everything is just about choices and decisions. hindi porke yan na yung nakasanayan, yan na yung meron titigil ka na sa "yan" kung pwede namang higitan yan para sa ikabubuti ng marami... 


ano bang mga reason bakit nagbabago ang mga tao? sa totoo lang hindi ko din alam... kasi ako, nagbago ako dahil sa sumabay ako sa pagbabago sa paligid ko. at yung ginawa kong yon, aminado akong isang malaking pagkakamali sa buhay ko. nawala yung mga taong mahal ko. nawala yung mga bagay na mahahalaga sa akin. hindi ko na kilala ang sarili ko. bitter? oo, sa kung anong nangyari at ginawa ko sa sarili ko. 


well wala akong ibang dapat sisihin sa kung anong estado ko ngayon sa sarili ko. desisyon ko to kaya ako nandito.  at malaki ang pagsisisi ko. oo sabi nila matuto sa pagkakamali pero hindi sana ko magkakamali ng ganito at hindi sana aabot sa ganito ang epekto kung pinag-isipan ko lang sana mga desisyon ko. ganun talaga ang buhay. hindi naman pwedeng nasa umpisa ang pagsisisi diba, para namang timang yung, lagi yung sa huli. 


siguro akala mo ikaw ang pinatatamaan ko sa quote sa itaas. well all this time para sakin yan. pati yung sinasabi kong pwede namang baguhin kaso di ko ginawa. sa pwede ka namang makuntento sa kung anong meron ako pero hindi lahat pwedeng tanggapin nalang ng ganun ganun na lang. buhay nga naman parang life. butong hininga na lang ang kaya kong isagot sa kung ano mang nararanasan ko ngayon. simple lang kasi duwag ako. takot ako sa kahit ano. oo malakas ang Kapit ko sa kanya at buo ang faith ko sa kanya pero sa sarili ko 0%, teka negative pa nga ata... does this blog have a happy ending? i don't know either.
learn to appreciate what you have, before time makes you appreciate what you had. - anonymous
alam natin soon magiging "had" nalang talaga natin ang mga bagay bagay na meron tayo, pero hindi naman lahat, pero madami... yung makakasama natin hanggang sa huling hantungan. may mga bagay lang talaga na hindi natin akalain na ganun kabilis magiging "had". sabi nga nila diba, live like it's the last day of your life, pero madalas nagmamatigas pa rin tayo at ginagawa yung mga bagay na wala namang kabuluhan talaga para satin. na hindi naman tayo napasaya. at higit sa lahat nakasakit pa pala tayo ng iba. 


we do know how to appreciate things but when we show it, it's already too late. gaya ko. actually over over na nga ang ginagawa kong pagpapakita ng appreciation ko pero kung wala pala yung halaga edi walang kwenta. yun lagi ang ipinipilit kong appreciation na hindi naman na pala nararamdaman. nasasayang lang yung lakas ko. kasi nga naman hindi galing sa puso. paano pa bang galing sa puso ang gusto eh mahal na mahal ko nga yung tao? kasi ganito yon, ginagawa ko lang siya kasi inaantay kong maging masaya at at mapuri niya ko at dun ako magkakaron ng satisfaction which is mali. true love doent wait for anything in return. so yun. kaya mali ako.


nalaman ko lang kung paano ko dapat siya pinahalagahan wala na siya. hindi ko alam kung babalik pa. bulag ako sa hinaharap kung makakasama ko paba yung taong nagturo sakin ng mga bagay na naisulat ko ngayon. bingi ako sa mga salitang hindi ko alam kung maririnig ko pa bang sasambitin niya, o kung maririnig ko pa ba siya? siya na dating "i have", ngayon isa ng "i had." ang sakit sobra. kada letra na mailalagay dito unti unting tumatarak sa puso ko. unti unti pinapatay ako... 


kayo? hahayaan niyo bang maging katulad ko? wala ba kayong balak aksyonan ngayon? aantayin nio bang mag-expire nalang yung chocolate at maging had nalang ang have...? kung ayaw nio kumilos na kayo. ngayon na. as in ngayon na! 

me, myself and i

Click to play this Smilebox scrapbook
Create your own scrapbook - Powered by Smilebox
Make a scrapbook
ang aking pamamaalam, chos! hahaha natuwa lang ako sa sarili ko kaya ayan, i tried to make this one :) sana magustuhan ninyo :)

pag binasa mo to iiyak ka (kuno) :P

me with my better half :)
future husband ko :)


tama, siya nga ang aking better half :) siya si BEST. oo si best, hehe, yan tawag sa kanya ng mga friends ko, kasi yan tawagan naming dalawa.


ano bang gusto ko sabihin at bakit ako nagsusulat ngayon...? hmmm... dapat nga umuuwi na ko ehh, kaso hindi ko mapigil ang pagtipa ng mga daliri ko sa keyboard ahehe... wala naman na talaga kong masasabi pa sa kanya. sa dami ba naman ng scrap book na binigay ko sa kanya expressing mg feelings and thoughts for him aba eh paulit ulit nalang ata ako. siguro naririndi na tong taong to hehe. pero hindi ko magawang tumigil ehh... lalo na kapag sinasabi niyang "you never failed to make me smile. you never failed to surprise me." ay mga teh, bonga ang pagpalakpak ng tenga ko kapag sinasabi niya yan. kaya minsan kahit paulit ulit na ko hindi ko matigilan kasi sabi niya napapasaya ko pa din siya dun sa ginawa ko ehh. or baka inuuto niya na lanag din ako ahehe pero hindi eh, iba talaga. kapag sinasabi niya yan ramdam kong masaya siya. at sa tuwing nararamdaman kong masaya siya, nararamdaman ko yung worth ko. sumasaya din ako ng sobra.


see how happy he is, ang saya ko din niyan ^_^
hindi ko nga alam kung bakit every time na ngingiti siya, kinikilig ako. kahit hindi naman ako nginingitian niya para akong batang kinikiliti sa tagiliran kung kiligin (parang tanga lang hehe) (walang pakialamanan, trip ko to eh :P) eto na naman ako sa side commemts eh, balik tayo sa sinusulat ko hihi. he is a very charming guy. (kahit na sa unang tingin hindi hehe peace best :*) lalo na kapag nakilala mo na siya. once you started to know him, from his personality to his family, masasabi mo nalang nakapa wonderful ng nilalang na to (nilalang talaga parang alien lang hahaha) hindi mo aakalain sa edad nyan 2* eh alaga pa din siya ng daddy niya at hindi siya nagrereklamo don. kung tutuusin yung edad niya eh yun edad ngayon na mga nagstart ng magsarili at bumuo ng sariling pamilya. pero hindi siya sumuway sa daddy niya. (kahit minsan bumubulong bulong kapag nakatalikod na si daddy ahihi :P) pagdating naman sa mommy niya ibang klase siya mag-alaga at mag-asikaso sobra... hahangaan mo talaga. biruin mo pagalitan ba naman si mommy niya kasi gustong bumili ng pants pero pantulog ang hinahanap ahehe. parang ako lang si mommy niya, trip na trip siyang asarin :D. sabi ko maalaga pero pinagalitan niya si mommy niya, irony lang yun mga dre, you'll understand sa takdang panahon hehe. basta sobrang maalaga siya sa family niya (kahit hindi halata ^_^). i admire him sobra.


see, alagang alaga ako ohh, siya yung tulog hehe ^_^
he's the kind of guy na aasamin mong maging asawa. (seryoso to guys) hehe anu ba yun seryoso pero natawa :D anyways, trueness at walang halong cheness, husband material siya. disregard money matters, he can raise a beautiful family. bakit ko sinabing disregard money matters, kasi walang family ang hindi nagkaron ng pagsubok sa pera. so ayun, alam mo kasing maalagaan ka niya at ang buong family niya. aasikasuhin ka hanggat kaya niya. at alam mong responsable siya sa pamilyang binuo niya. alam mong hindi ka pababayaan. oy teka masyado na namang seryoso to hehe naiiyak na ko... well honestly i am praying na sana itong si best ko nalang maging asawa ko, promise. madalas man na inaaway ko siya at sinusungitan, sorry po nature ko na kasi ehh... di bale babawasbawasan ko na, kung magiging asawa ko nga siya ahehe. dati sinasabi ko hindi ko pa lubos na makita kung bakit mahal na mahal ko siya, ayan nakalatag na mga dahilan. although some of the reasons lang yan kung bakit ko siya mahal, yung iba secret na ahihi :P) 


tingnan nio ang cute niya no :)
yang image sa taas, tingnan niyo, hindi ba parang ang sarap niyang alagaan. hindi halatang siya yung mag-aalaga sayo. kaya lalo ko siyang naging gusto kasi parang feeling ko ako yung kailangang kailangan niya para maalagaan siya pero sa kabaliktaran siya yung sobrang nag-aalaga sakin. grabe nung minsang may umargrabyado sakin parang gusto niyang pumatay. tindi ng akap kala mo mawawala na ko sa kanya. ako pa naman yung tipo ng tao ng gusto ko kapag pinararamdaman mo saking mahalaga ako sayo kaya kinilig na naman lalo ang lola niyo ^_^. madalas kapag magkasama kami makikita nio para akong linta sa kanya, o kaya naman minsan kapag nagtatalo kami para kaming mga ewan kasi wala namang kwenta yung pinagtatalunan pero hindi pa nakikita ng marami yung other side of our relationship. "sobrang kulit" as in ang dami naming bagay na ginagawa na halos gawain ng magkapatid na nagbobonding lang kung titingnan. trip namin magbasketball sa WOF. magkwentuhan ng magkwentuhan. magkilitian. magdebate. mangialam sa mga suot ng mga dumadaan. magkantahan na parang wala ng bukas. kumain. matulog. gumising. magluto. maghugas ng plato, maglaba. etchoss na yung iba hehe. 


anyways, mahal ko siya. mahal na mahal ko siya. at kaya ko sinulat to, kasi i want to celebrate our 33rd monthsary which is today! happy monthsary best ko! mahal na mahal kita! mwuaaah! mwuaaah! tsup! tsup! ^_^





how to treat your girl right


  • Whatever you do, don’t just show up at their house…they run around in their underwear just like we do.
  • Don’t cheat on them. It may seem foolproof, but girls tell each other everything about everything. Trust me, they WILL find out. 
  • Beware of every single male relative and all guy friends. Any of them would kick your butt at the drop of a hat, and a lot of them wouldn’t even wait for the dang hat.
  • Never miss an opportunity to tell them they’re beautiful.
  • Don’t refuse to kiss in front of your friends. If they laugh at you, it’s because they’re jealous.
  • If they slap you hard, you deserved it. 
  • Don’t be afraid to touch them if you want to. If they’re going out with you in the first place, it’s because they like being in your arms.
  • Not all of them eat like birds; a lot of them can eat like whales. 
  • Do you honestly need all your money that much? Be a man, pay all the time! 
  • Every girl should eventually get three things from her boyfriend- a stuffed animal, one of his sweatshirts, and a really pretty ring. Even if it’s not a serious relationship.
  • Make sure she gets home safely as often as you can. If you’re dropping her off, walk her to the door. If you aren’t dropping her off, call to be sure she’s home safely.
  • If a guy is bothering her, it is your right to kick the you know what out of him. Maybe not literally, but do what it takes to make it stop.
  • If you’re talking to a female friend of yours, pull your girlfriend closer.
  • Never, ever slap her, even if it’s just in a joking way. Even if she swats you first, and says, “Oh, you’re so dumb” or something, never make any gestures back. 
  • Go to a chick flick once in a while. She doesn’t care whether you enjoy it or not, it just matters that you went.
  • You’re dead meat if you can’t get along with their pets, parents and best friends. Be prince charming to their friends, Mr. Polite to their parents, and make sure to be nice to their animals. 
  • Don’t flirt with their mom…that’s just freaky.
  • If you don’t like the way they drive, you do it.
  • If you’re officially dating, and you’re introducing her to your friends, you better be introducing her as your girlfriend. 
  • Don’t stress where you go for every date. They really only want to be with you.
  • If they complain that something hurts, rub it for them without being asked.
  • Girls are fragile. Even if you’re play fighting/wrestling, be very gentle.
  • Memorize their birthdays for goodness sakes. You forget her birthday and you’re basically screwed for life. 
  • Don’t marinade the cologne, but smell good.
  • Don’t give her something stupid for her birthday or Christmas or Valentine’s Day. It doesn’t have to be expensive, but it has to be meaningful. 
  • If you think the relationship isn’t going to last, don’t wait to find out. It will only hurt you more if you draw it out. 
  • After you’ve been dating for a while, realize that they really have started to trust you. When you have a girlfriend who truly trusts you, you have a lot more responsibility, privilege and control than you would think. Be careful with it, most guys would kill for that kind of power, and it can be lost in a nanosecond.
source

miss you...

Click to play this Smilebox greeting
Create your own greeting - Powered by Smilebox
Free digital greeting card made with Smilebox

hate goodbye



“The most painful & worst possible types of good byes, are the ones that are never said and explained & will haunt u for the rest of ur life.”

Wala namang nagpaalam sakin ng ganitong klase pero ramdam ko yung sakit. Nai-imagine ko how would it feel kapag yung taong mahal na mahal ko bigla nalang nawala sa buhay. Mababaliw siguro ako. Pero naisip ko din, alin kaya ang mas masakit, yung nagpaakam siya dahil hindi ka na niya mahal talaga or yung wala siyang pasabi gaya nito, na nanghuhula ka kung bakit ka niya iniwanan…

Tama, alin kaya dun ang mas mabigat dahil…?

Kung ako ang nasa unang senaryo, maghihisterical ako, hindi ko na kakayaning magmahal pa ulit. Malamang magkatrauma pa ako. Iisipin kung ano bang nagawa ko at bakit hindi na ko mahal ng taong mahal na mahal ko… hindi na ba pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon…? Wala na bang pag-asa na maibalik pa ang pagmamahal niya…? HINDI NA KO MAHAL NG TAONG MAHAL NA MAHAL KO! Ouch! Ang sakit sakit! ang hirap tanggapin ng ganyang salita. Iniisip ko pa lang na sasabihin sakin yan ng lalaking pinag-alayan ko ng buong buhay ko, ang hirap… AYOKO! Ayoko pero anong magagawa ko? Hindi na nga niya ko mahal diba? Ang hirap i-accept na mangyayari yung ganito… Everytime na iisipin kong kailangan kong tanagapin na hindi niya ko mahal parang unti-unti ko ring idinidiin yung patalim na itinarak niya sa dibdib ko. Unti-unti ring sumisirit yung dugo ko habang unti-unti ay nauubos ang hininga ko. Parang hindi ko na nanaisin pang mabuhay. Wala ng dahilan. Makikita ko ang sarili ko bilang isang babae walang kwenta, kaya iniwan. Na walang halaga kaya sinaktan. Na hindi worthy para mahalin. In short, masisira ang buhay ko. Ikaw kaya masabihan ng hindi na kita mahal.

Halos pareho lang din sa pangalawang senaryo. Mababaliw rin ako sigurado. Anong nangyari? Bakit? May nagawa ba kong hindi maganda? Nasan na siya? Buhay pa ba siya? Anak ng tokwa, ang daming tanong!!! Ang dami mong gustong malaman. Hindi na ba nya ko mahal…? Kung hindi na bakit? Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Anong dahilan…? Walang araw na hindi ko iisipin kung bakit ako iniwan ng taong mahal ko. Sa araw-araw iisipin ko kung bakit ba talaga siya nawala. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman kung bakit mag-isa na ko ngayon. Nakakalungkot… nakakabaliw…? Kahit kalian hindi na ako matathimik… araw-araw na pag-iyak na lang ang magagawa ko… hanggang sa darating ang araw na wala na kong iluluha ngunit wala pa ring sagot akong nakukuha… darating pa kaya ang araw na mabibigyan ng linaw ang lahat…? Babalik pa kaya siya…? Ang hirap mag-move on kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit ka mag-mo-move on. Malay ko ba kung may nangyari lang na hindi maganda sa kanya… baka nagka-amnesia siya. Baka naka-coma. Walang kasiguraduhan ang lahat ng pwede kong maramdaman. Mas mahirap ata ito kesa sa masaktan. Haaay nakakabaliw to!

Sa huli ayaw kong maranasan ang kahit alinman sa mga yan. Ayokong maiwanan. Lalong ayokong mawala yung pagmamahal sakin ng taong pinag-alayan ko ng puso ko, ng buhay ko…

pag-ibig ko

Sabi nila wag daw tatanga tanga
Niloko kana naniwala ka pa
Sabi nila wag daw akong bobo
Ikaw na ginago ikaw pa nanunuyo

Naisip ko lang nagmamahal ba talaga sila?
Kung sa pag-ibig may kinikilingan ka?
Hindi ba’t mas masayang magmahal
Kung lahat ibibigay ng bukal?

Pagkat kahit anong mangyari
Pag-ibig pa rin ang naghahari
Sa puso’t isip ko ngalan niya’y lagi
Siyang sinisigaw at namumutawi

Hindi na baling ako’y tanga
Wag lang magsisi sa huling nagkulang ka
Mabuting ng maging gago
Basta sa ikaliligya ng mahal ko

Pag-ibig ko’y wag ninyong husgahan
Pagkat ito’y walang hangan
Alay sa lalaking nag-iisa lang
Dito saking puso, M*****k ang ngalan

bakit nga ba?


B-A-K-I-T 

Isang salita, limang letra, subalit maraming nangangailangan ng kasagutan sa kanya… napakaraming tanong ng mga tao sa mundo, pero ang nag-iisang salitang ito ang napakahirap sagutin… maaring tama, maari ring mali… depende sa taong nagtatanong, depende sa uri ng tanong… sa totoo lang naparami kong tanong na sa BAKIT nagsisimula…

Simple lang daw ang buhay sa mundo, tao lang ang nagpapakumlikado. Oo nga naman, kung tutuusin, hindi naman kailangan lahat ng tanong mo na bakit ay masagot para maging masaya ka diba…? PERO, habang hindi nasasagot ang bawat tanong mo, nagsisimula din maging komplikado mga bagay sa mundo mo. Mahirap maiwasan… ano nga bang paraan…

Bakit ba may salitang bakit?

(Change topic bigla)

Bakit ang bilis sumama ng loob ng mga babae at bakit hindi naman ito maintindihan ng mga lalaki? Or should I say, bakit ang daming EMOng babae at madaming manhid na lalaki?

Bakit na naman… pero yan talaga ang pupose ko sa pagsulat ng blog na to.

Ang mga kababaihan, aminin man natin o hindi, madalas tayong nasasaktan sa kahit sobrang liit na bagay lang. hindi maitext, hindi masundo, hindi-malike ang facebook status etc. etc. Pero hindi natin ito maiwasan. Kasi pakiramdam natin nate-take for granted tayo. Na sa napakasimpleng bagay hindi tayo mapahalagahan ng mga mahal natin. Naglalaro sa isip natin kung bakit hindi niya matandaan ang mga simpleng bagay na iyon. Kung mahalaga ba talaga tayo sa kanila at ganun na lang kung kalimutan nila ang mga bagay na nakakapagpalungkot satin kaya kahit hindi sadya nauulit nila ito? Iniisip natin kung mahal pa ba talaga tayo ng taong ito. Pero kung tutuusin hindi naman natin kailangan awayin pa ang mga nobyo natin dahil lang dito.

Ang mga kalalakihan, kahit hindi kayo umamin, nainiinis kayo kapag sa mga simpleng bagay nagwawala ang mga girlfriend ninyo. Hindi niyo maintindihan kung bakit kailangan magdamdam siya sa ganon KABABAW na dahilan. Sobrang simple kaya sa tingin ninyo mababaw. Kaya kahit nasaktan na si GF ninyo tungkol sa ganitong bagay hindi imposible sa susunod na mga araw mauulit na naman ito. Naglalaro sa isip ninyo bakit ganun? Ang bigat ba ng kasalanan ko sa kanya? Hindi na ba mahalaga sa kanya yung ibang efforts ko at palaging yung mali kong iyon ang nakikita niya? Iniisip ninyong imaature at wala ng pinatutunguhan ang relasyon ninyo. Pero kung tutuusin hindi naman kailangan pang sakyan ang inis ng kasintahan at madali lang din naman na intindihin na lamang siya.


Ang dahilan kung bakit kahit na madali naman talaga pero hindi nagagawa ay dahil sa pakiramdam natin pareho, lalaki at babae, na kapag hindi natin ibinoses ang nararamdamam uulitin lang ng bawat isa ang ginagawa niya. KUMPLIKADO? Oo, kung susuriin mong maige ang gulo ng sitwasyon.


Ngayon ang tanong. Sino ang dapat magpakumbaba? Sino ang dapat magbigay? Sino ang dapat umunawa?

Bakit nga ba ganito? Bakit ang hirap gawin ng madaling bagay?

Pero kung totoong nagmamahal kayo, hindi mahalaga kung sino o bakit? Kusang iintindihin ng mga puso ang bawat pagkakamali. At puso rin ang magtatama nito.

kutob

hindi ko alam kung bakit subalit kinakabahan ako...
ramdam kong nababalewala na naman ako :(
hanggan kailangan ba ito...?
kailan niya ako pahahalagahan ng wasto...?

maaring hindi tama
maaring ring totoo
ang kutob na ito kapag nabuo
puyat na naman ang aabutin ko

ang hirap ng ganitong damdamin
parang gusto ko na lang liparin ng hangin
literal na masakit sa puso
ang kutob na saki'y gumugulo

madalas nagkakatotoo
mga kutob kong ganito
pagka't kusang lumalapit
ang katotohanan nagpapasilip

kailan kaya matatapos
pag-iisip ng lubos?
sa iniirog kong hangang ngayon
ay hindi man lang tumutugon

puso ko'y nahihirapan
sa isang bagay na walang kasiguraduhan
sagot na inaasam 
sana akin ng makamtam...

pagwitness ni Yeng Constantino for God


God, alam ko na dapat kitang mahalin at alam ko sa puso ko na gustong gusto kitang mahalin... Lord, baguhin mo to (pointing her heart) kasi kung ito yung gusto mo, baguhin mo yung puso ko... at alam ko na kaya mong gawin yon, kasi Diyos ka eh, baguhin mo yung puso ko...

nabasa ko yung verse sa bible, John 17:24... yun yung nagbago ng buhay ko. sabi ni Jesus, nagpepray siya non para sa lahat ng tao bago Siya ipako sa krus, may isang line doon na nagstrike sakin sabi Niya, Ama pinapanalangin ko yung mga taong naniniwala sakin sa buong mundo, gusto ko silang makasama kung saan ako pupunta... eh kung hindi ka ba naman mainlove kay Jesus nun? King of kings gusto akong makasama...yun yon ehh... gusto kang makasama ni God...

-yeng

*sobra po akong naiinspire sayo miss yeng... saludo ako sayo kung gaano mo kamahal si Jesus! sana patuloy ka pang mag-inspire at magdala ng tao kay God and sana mas maging blessed ka pa... mahal kita idol!*

the only man i love



my love, my best
I don't know how it started.
All i wish is for this not to end.

Im so inlove with him.
It becomes stronger everyday.
I long for him every minute.

I love to watch his smile.
It reminds me of an angel with a genuine heart.
Its heaven when i look into his eyes.
It seems talking to me all time 
even without a word from his mouth.

His the only man who turned my world upside down. 
He brings back my smile everytime i cry. 
And he never leave my side.

What makes me love him more is when he cried his love for me. 
Tears fall from his eyes while saying he loves me so much and hugging me tight. 
I hate to see him cry but this is different.
My heart wants go out of my chest and be with him as long as its beating.

Now im so happy with this man. 
Each day is like its the first time im falling inlove. 
I dont know what have i done to have this very wonderful creati0n of God.

This man will always be the man i love...no matter what...



this is a poem, i hope it looks like one...
i wrote this for the only man i love...